Ilang kongresista, iginiit na tutukan ang dahilan para hindi na maulit ang Maguindanao massacre

By Erwin Aguilon December 19, 2019 - 03:39 PM

Kasabay ng pagbaba ng guilty verdict sa mga pangunahing akusado sa karumal-dumal na Ampatuan masaker, iginiit ng ilang kongresista na tutukan ang mga itinuturong dahilan nito para hindi na ito maulit pa.

Ayon kay Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin, kailangang lumikha ng batas ng Kongreso laban sa kawalan ng hustisya at parusa sa karahasan.

Dahil dito, napapanahon na aniya upang palakasin ang voter education laws at mga programa kaugnay dito.

Dapat din anyang buwagin ang mga private army, pagkumpiska sa mga hindi lisensyadong baril at ang pag-ban sa mga kriminal na maupo sa anumang posisyon sa pamahalaan.

Ayon naman kay Agusan del Norte Representative Lawrence Fortun, napapanahon nang buwagin ang political dynasties na aniya’y ugat ng Maguindanao massacre.

Kung titingnan kasi aniya, ang tinawag niyang political warlordism ay hindi lamang sa Maguindanao makikita kundi sa iba ring bahagi ng bansa na ang pasimuno ay mga political dynasty.

Malinaw aniya ang mensahe sa mga botante na huwag na huwag nang maghalal ng mga warlord mula sa barangay hanggang sa anumang mataas na posisyon sa bansa.

Kasalukuyang nakabinbin sa komite ang panukala ng kongresista na ma-define na ang political dynasty gayundin ang pagbabawal nito alinsunod na rin sa itinatakda ng saligang batas.

TAGS: ampatuan, maguindanao massacre, Rep. Alfredo Garbin, Rep. Lawrence Fortun, ampatuan, maguindanao massacre, Rep. Alfredo Garbin, Rep. Lawrence Fortun

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.