Tumama ang magnitude 3.3 na lindol sa Maguindanao, araw ng Huwebes.
Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 10 kilometers Southeast ng Datu Paglas bandang 1:22 ng hapon.
May lalim ang lindol na 17 kilometers at tectonic ang dahilan.
Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang naitalang pinsala sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.