Person of interest sa sunog sa Malate, Manila nasa kustodiya na ng MPD

By Angellic Jordan December 19, 2019 - 03:20 PM

(UPDATED) Mahigit-kumulang 30 bahay at 230 pamilya ang apektado ng sunog sa isang residential area sa Malate, Maynila araw ng Huwebes.

Ayon sa Manila Public Information Office, umabot sa ikalimang alarma ang sunog sa bahagi ng Leveriza Street pasado 1:00 ng hapon.

Idineklara namang fire under control sa lugar bago mag-2:00 ng hapon.

Mabilis kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay sa lugar.

Samantala, nasa kustodiya na ng Manila Police District (MPD) Station 9 ang person of interest sa hinihinalang kaso ng arson sa sunog.

Ayon kay Major Rosalino Ibay Jr., hepe ng MPD Special Mayor’s Reaction Team, isa sa tinitignang motibo sa insidente ay away magkapatid.

Sa ngayon, inaalam pa ang halaga ng pinsala sa lugar.

TAGS: malate, Maynila, MPD Station 9, MPD-Special Mayor’s Reaction Team, sunog sa Leveriza Street, malate, Maynila, MPD Station 9, MPD-Special Mayor’s Reaction Team, sunog sa Leveriza Street

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.