Malakanyang, natuwa sa guilty verdict sa Maguindanao massacre case
Ikinatuwa ng Palasyo ng Malakanyang ang naging hatol ni Quezon City Regional Trial Court branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes na habambuhay na pagkabilanggo kay Datu Andal Ampatuan Jr. at iba pang sangkot sa pagmasaker sa 58 katao kabilang na ang 32 mamamahayag sa Mamasapano, Maguindanao noong November 2009.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, patunay ito na nakamit ng mga biktima ng masaker ang hustisya.
Ayon kay Panelo, nagsalita na ang korte at ibinase ang desisyon sa mga ebidensyang iprinisita sa hukuman kung kaya marapat na igalang ito ng lahat.
Pero ayon kay Panelo, maari namang dumulog sa Supreme Court ang mga pabor o hindi sa desisyon ng korte.
Sinabi pa ni Panelo na kailanman ay hindi nakialam ang sangay ng ehekutibo sa trabaho ng hudikatura.
“The court has spoken and rendered its decision on the basis of the evidence presented by both the prosecution and the defense. There were verdicts of guilty and acquittal. It behooves the parties to respect them. There are those who view the judgements as justice having prevailed. There are others who have contrary views. Those who disagree with the judgements of the court have legal remedies under disposal. Ultimately, it will be the Supreme Court that will give the final judgement. For now, what is important is that the rule of law has prevailed,” ani Panelo.
Pero ayon kay Panelo, binabati ng Palasyo ang mga executive officials lalo na ang mga prosecutor na makamit ang hustisya at maisulong ang press freedom at human rights sa bansa.
Ayon kay Panelo, ngayong naibaba na ang hatol sa Maguindanao massacre case, maisasara na rin ang madilim na kabanata sa kasaysayan ng Pilipinas kung saan walang awang pinatay ang 58 katao.
Umaasa aniya ang Palasyo na hindi na mauulit ang kahalintulad na karumal-dumal na krimen.
“The Maguindanao Massacre marks a dark chapter in recent Philippine history that represents merciless disregard for the sacredness of human life, as well as the violent suppression of press freedom. This savage affront to human rights should never have a duplication in this country’s history. The incident is one of factors that prompted the President to anchor his presidency on the preservation and maintenance of law and order in the entire country,” dagdag ni Panelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.