Mga sundalo, bumisita, nag-alay ng dasal sa Mamasapano encounter site
Nag-alay ng mga panalangin ang mga sundalo ng 6th Infantry Division ng Philippine Army sa Mamasapano, Maguindanao bilang paggunita sa unang taon ng Mamasapano Incident.
Pinangunahan ni Major General Edmundo Pangilinan ng 6th ID ang pag-aalay ng panalangin ng mga Kristiyano at Muslim sa mismong encounter site sa Bgy. Tukanalipao kung saan nasawi ang nasa 67 katao kabilang na ang SAF 44.
Nag-alay din ng mga bulaklak ang mga nakilahok sa okasyon maisan at ilog na malapit sa lugar kung saan ilang bangkay ng SAF ang narekober matapos ang engkwentro ng SAF sa grupo ng MILF at iba pang armadong grupo noong January 25, 2015.
Patuloy ring humihiling ng katarungan ang pamilya ng isa sa tatlong sibilyan na nasawi sa sinapit ng kanilang kaanak.
Bagaman may nakarating nang tulong sa mga residenteng naapektuhan, ilan sa mga residenteng naapektuhan ang umamin na hindi pa rin bumabalik sa normal ang kanilang pamumuhay matapos ang insidente.
Sa naturang insidente, bukod sa 44 na SAF commandos na nasawi, 17 kasapi ng MILF at tatlong sibilyan pa ang namatay .
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.