Mga kongresista nagpahayag ng suporta Maguindanao Rep. Esmael Mangudadatu kaugnay sa promulgation ng Maguindanao Massacre Case

By Erwin Aguilon December 19, 2019 - 10:55 AM

Nagpahayag ng suporta ang mga kongresista para sa kapwa nila mambabatas na si Maguindanao Rep. Esmael Mangudadatu kaugnay sa promulgation ng Maguindanao Massacre Case.

Dasal ang alay ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers para kay Mangudadatu sa hangarin na makamit ng pamilya nito at lahat ng mga naulilang pamilya ang hustisya sa karumal- dumal na krimen.

Hiling din ni Barbers na mabigyan ng karagdagang kalakasan si Mangudadatu na harapin kung anuman ang magiging pasya ng korte sa kaso.

Positibo naman si Barbers na kakatigan ang panig ng prosekusyon at mahahatulang guilty ang mga suspek.

Samantala, para naman kay Manila Rep. Manny Lopez, hustisya ang dapat manaig dahil sa karumaldumal ang pagpatay sa mga biktima.

Ayon Lopez, dapat patawan ng pinakamataas na kaparusahan ang mga akusado dahil sa dami ng casualty sa massacre.

Primary suspects sa kaso ang ilang miyembro ng pamilya Ampatuan na mahigpit na kalaban sa pulitika ng pamilya Mangudadatu sa Maguindanao.

58 ang nasawi sa November 23, 2009 massacre kung saan 32 dito ay mga mamamahayag.

TAGS: 2009 massacre, 58 nasawi, Maguindanao Rep. Esmael Mangudadatu, Manila Rep. Manny Lopez, November 23, promulgation ng Maguindanao Massacre Case, Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, 2009 massacre, 58 nasawi, Maguindanao Rep. Esmael Mangudadatu, Manila Rep. Manny Lopez, November 23, promulgation ng Maguindanao Massacre Case, Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.