29 na bote ng liquid marijuana nakumpiska sa Pasay
Aabot sa 29 na bote ng liquid marijuana ang nakumpiska ng Bureau of Customs sa Pasay City.
Ang mga liquid marijuana ay nakuha sa bagahe na nasa Central Mail Exchange Center.
Ayon kay Gerard Javier ng Ninoy Aquino International Airport Drug Interdiction Task Group, galing ng Utah ang bagahe.
Isang babae naman ang nagtungo sa lugar para tangapin ang bagahe kaya agad itong dinakip.
Base sa pahayag ng suspek, ang liquid marijuana ay ginagamit lang na panggamot at ibinebenta ng P1,000 kada bote.
Pero ayon sa Customs, nananatiling ilegal sa Pilipinas ang medical marijuana.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.