Bilang ng mga pasahero sa pantalan, umabot na sa higit 71,000
Dumarami na ang bilang ng pasahero na dumadagsa sa mga pantalan.
Ito ay kasabay ng “Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2019” ng Philippine Coast Guard ngayong holiday season.
Batay sa monitoring ng PCG, nasa kabuuang 71,179 ang outbound passengers mula 6:01 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, araw ng Miyerkules (December 18).
Pinakamaraming naitalang pasahero sa bahagi ng Central Visayas ng may 14,324 pasahero sa mga pantalan sa Cebu, Eastern Bohol, Western Bohol, Southern Cebu at Camotes.
Sumunod dito ang Western Visayas na may 13,682 na pasahero sa bahagi ng Antique, Aklan, Iloilo, Capiz at Guimaras.
Narito naman ang bilang ng mga pasahero sa mga sumusunod na lugar:
– National Capital Region – 574
– South Western Mindanao – 4,454
– Palawan – 6,626
– Southern Tagalog – 5,140
– North Western Luzon – 263
– South Eastern Mindanao – 2,371
– Bicol – 5,228
– Northern Mindanao – 8,085
– Eastern Visayas – 4,722
– North Eastern Luzon – 354
– Southern Visayas – 5,356
Kaisa ang PCG sa pagpapanatili ng zero maritime casualty o anumang insidente ngayong Kapaskuhan.
Gayunman, pinayuhan ng PCG ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga safety at security measures sa mga pantalan at sasakyang-pandagat para matiyak ang kanilang kaligtasan.
Dapat din anilang i-report ang mga kahina-hinalang indibidwal sa mga otoridad, maging sa mga itinalagang DOTr Malasakit Help Desk.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.