Renato Solidum nagsagawa ng site visit sa Padada, Davao del Sur

Nagsagawa ng site visit si Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Renato Solidum sa Padada, Davao del Sur, araw ng Miyerkules.

Partikular na pinuntahan ng Phivolcs director ang bahagi ng Barangay Poblacion.

Isa ito sa mga matinding napinsala ng tumamang magnitude 6.9 na lindol sa bayan ng Matanao noong araw ng Linggo, December 15.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bandang Miyerkules ng umaga, umakyat na sa siyam ang bilang ng nasawi bunsod ng pagyanig.

Tatlo ang nasawi sa gumuhong South Grocery Store sa bayan ng Padada.

Read more...