Lalaki, nabangga ng trak sa Quezon

Dead-on-the-spot ang isang lalaki makaraang mabangga ng trak sa Lopez, Quezon Miyerkules ng madaling-araw.

Batay sa ulat ng Lopez police, kinilala ang biktima na si Angelito Lopez, 46-anyos.

Patawid si Lopez sa Maharlika Highway nang biglang mabangga ng trak na minamaneho ni Joselito Balitian sa bahagi ng Barangay Bebito bandang 12:30 ng madaling-araw.

Ayon sa pulisya, mabilis ang takbo ng trak.

Patungo sanang Maynila ang nasabing trak.

Nagtamo ng matinding injuries ang biktima na naging dahilan ng agarang pagkasawi nito.

Read more...