Lalaki, nabangga ng trak sa Quezon

By Angellic Jordan December 18, 2019 - 03:08 PM

Dead-on-the-spot ang isang lalaki makaraang mabangga ng trak sa Lopez, Quezon Miyerkules ng madaling-araw.

Batay sa ulat ng Lopez police, kinilala ang biktima na si Angelito Lopez, 46-anyos.

Patawid si Lopez sa Maharlika Highway nang biglang mabangga ng trak na minamaneho ni Joselito Balitian sa bahagi ng Barangay Bebito bandang 12:30 ng madaling-araw.

Ayon sa pulisya, mabilis ang takbo ng trak.

Patungo sanang Maynila ang nasabing trak.

Nagtamo ng matinding injuries ang biktima na naging dahilan ng agarang pagkasawi nito.

TAGS: Angelito Lopez, Joselito Balitian, lopez, Maharlika Highway\, nabangga ng trak, Quezon, Angelito Lopez, Joselito Balitian, lopez, Maharlika Highway\, nabangga ng trak, Quezon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.