Zaldy Ampatuan, nakalabas na ng Makati Medical Center

By Angellic Jordan December 18, 2019 - 03:22 PM

Nakalabas na si dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Zaldy Ampatuan sa Makati Medical Center, araw ng Miyerkules (December 18).

Nakalabas ng ospital si Ampatuan isang araw bago ang ilalabas na hatol hinggil sa Maguindanao massacre case.

Mahigpit na binabantayan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si Ampatuan na nasa wheelchair nang lumabas sa ospital.

Ipinag-utos ng Quezon City court ang panunumbalik ni Ampatuan sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Matatandaang na-confine nang halos 40 araw si Ampatuan sa ospital matapos magtamo ng stroke noong Oktubre.

TAGS: BJMP, Camp Bagong Diwa in Taguig City, Maguindanao massacre case, makati medical center, Zaldy Ampatuan, BJMP, Camp Bagong Diwa in Taguig City, Maguindanao massacre case, makati medical center, Zaldy Ampatuan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.