Kiblawan, Davao Del Sur nilindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang Davao del Sur, Miyerkules ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 11 kilometers Southwest ng Kiblawan bandang 1:32 ng hapon.

May lalim ang lindol na 16 kilometers at tectonic ang dahilan.

Bunsod nito, naramdaman ang mga sumusunod na instrumental intensities:

Intensity 3:
– Malungon, Sarangani

Intensity 2:
– Koronodal City, Tupi, South Cotabato, Kidapawan City

Sinabi ng Phivolcs na walang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...