Bangkay ng Korean national natagpuang naagnas sa isang condo sa Pampanga

By Rose Cabrales December 18, 2019 - 12:38 PM

Natagpuan ang bangkay ng isang babaeng Korean national na puro saksak at naaagnas na sa isang condo unit sa Angeles City sa Pampanga, ngayong Miyerkules (December 18).

Ayon sa mga otoridad, natagpuan nila ang bangkay sa banyo na nakabalot ng kumot at hinihinalang nasa sampung araw nang patay.

Inaresto ng mga otoridad ang live-in partner ng biktima na isa ring Korean national na hindi umano lumabas ng condo unit matapos ang ginawang krimen.

Kinasuhan na ang suspek ng kasong murder at ngayon ay nakakulong sa Angeles police station 3.

Nakikipag-ugnayan na rin ang mga pulis sa Korean authorities para makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa suspek.

Patuloy naman na inaalam ng mga otoridad ang motibo sa krimen.

TAGS: Angeles City, Korean nationals, Pampanga, pinatay ng live in partner, Angeles City, Korean nationals, Pampanga, pinatay ng live in partner

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.