Christmas wish ni Presidential spokesman Panelo kay Pangulong Duterte malusog na katawan

File Photo

Simple lamang ang wish ni Presidential spokesman Salvador Panelo kay Pangulong Rodrigo Duterte ngayong pasko.

Ayon kay Panelo, ito ay ang malusog na pangangatawan.

Sinabi pa ni Panelo na hindi niya hihilingin o papayuhan si Pangulong Duterte na bawas-bawasan ang pagtatrabaho dahil napaka-workaholic ng punong ehekutibo.

Hangad naman ni Panelo na magkaroon ng kapayapaan sa buong mundo hindi lamang ngayong taon kundi habang buhay.

Hindi maikakaila ayon kay Panelo na marami nang giyera at negatibong bagay ang nangyayari sa mundo.

Ayon kay Panelo, matitigil lamang ang kaguluhan kung paiiralin ang pagmamahal sa kapwa.

Read more...