Zaldy Ampatuan nasa ospital pa rin

By Dona Dominguez-Cargullo December 18, 2019 - 06:41 AM

Isang araw bago ang paglalabas ng hatol sa kontrobersiyal na akso ng Maguindanao Massacre nananatili sa ospital ang pangunahing akusado na si dating Autonomous Region in Muslim Mindanao Gov. Zaldy Ampatuan.

Ibinahagi sa media ang larawan ni Ampatuan habang nasa kaniyang hospital bed.

Ayon kay Makati City police chief Col. Rogelio Simon, nananatili sa kaniyang kwarto sa Makati Medical Center si Ampatuan.

Hinihintay pa ang discharge papers mula sa kaniyang doktor para siya ay makalabas.

Bantay-sarado si Ampatuan ng mga tauhan ng BJMP at Makati City police.

Dadalhin si Ampatuan sa Camp Bagong Diwa dahil base sa utos ni Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Judge Jocelyn Solis Reyes, kailangang maibalik sa piitan si Ampatuan.

October 22 pa nang dalhin sa ospital si Ampatuan.

TAGS: Inquirer News, maguindanao massacre, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, promulgation, Radyo Inquirer, Tagalog Breaking News Tagalog News Website, Zaldy Ampatuan, Inquirer News, maguindanao massacre, PH news, Philippine breaking news, Philippine News, promulgation, Radyo Inquirer, Tagalog Breaking News Tagalog News Website, Zaldy Ampatuan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.