2 patay sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Maynila

Nasawi ang isang lalaki at isang babae sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Tondo, Maynila.

Dead-on-the spot ang mga biktima na kinilalang sina Michael Aleja, tanod ng Brgy. 105 at si Maidel Magcanlas.

Binaril si Aleja sa kahabaan ng Roxas St. malapit sa Capulong St.

Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng pumatay kay Aleja nakasuot umano ng puting t-shirt at shorts.

Sa kanto naman ng Herbosa at Juna Luna Sts., binaril si Magcanlas ng suspek na nakasakay ng motorsiklo.

Iniimbestigahan ngayon ng mga awtoridad kung may ugnayan ang dalawang insidente ng pamamaslang.

Read more...