Ban sa flavored e-cigarettes ipatutupad na sa New York City mula sa susunod na taon
Nilagdaan na ang kautusan na magbabawal sa pagbebenta ng flavored e-cigarettes at flavored e-liquids sa New York City.
Layon ng nilagdaang Intro 1362-A ni Mayor Bill De Blasio na maiiwas ang mga kabataan sa paggamit ng e-cigarettes.
Sa ilalim ng kautusan ipagbabawal na sa New York City ang pagbebenta ng flavored e-cigarettes at flavored e-liquids kabilang ang mga mint, menthol at wintergreen e-cigarettes at e-liquids.
Ang total ban ay magiging epektibo mula July 1, 2020.
Ayon kay De Blasio hindi nila papayagang maakit ng mga tobacco company ang marami pang kabataan sa nicotine addiction.
Sa paglagda ng batas sinabi ni De Blasio na ang kalusugan ng mga kabataan ang kanilang inaalala gayundin ang kalusugan ng buong lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.