Duterte pinangunahan ang thanksgiving party ng isang LGBT group sa Malacañang

By Rhommel Balasbas December 18, 2019 - 05:20 AM

Isang thanksgiving dinner ang inihanda ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga miyembro ng LGBT Pilipinas Inc. sa Malacañang araw ng Martes.

Kasama sa dumalo sa pagtitipon ang tinaguang ‘Lord of Scents’ at multi-millionaire businessman na si Joel Cruz at ang transgender woman na hindi umano pinayagang gumamit ng female comfort room na si Gretchen Diez.

Sa kanyang mensahe, inihayag ni Duterte ang suporta sa LGBT community at iginiit na ang lahat anuman ang kasarian ay may karapatang kilalanin ng lipunan.

Iginiit din ng pangulo na dapat protektahan ang dignidad ng lahat ng tao.

Ayon kay Sen. Bong Go, ibinahagi ni Duterte sa mga miyembro ng LGBT Pilipinas Inc. ang kanyang katatapos lamang na paglagda sa executive order na lumikha sa Diversity and Inclusion Program na bumuo naman sa inter-agency committee on diversity and inclusion.

TAGS: LGBT Pilipinas Inc., malacanang palace, thanksgiving party, LGBT Pilipinas Inc., malacanang palace, thanksgiving party

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.