SWS: Duterte binigyan ng ‘excellent performance rating’ ng BARMM
Nasisiyahan ang mayorya ng mga Filipino sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte batay sa resulta ng September 2019 survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa survey na isinagawa ng SWS noong September 27 hanggang 30, 94 percent ang nasisiyahan sa trabaho ng presidente habang tatlong porsyento lamang ang hindi.
Ang natitira namang tatlong porsyento ay hindi tiyak o undecided.
Dahil dito pumalo ang net satisfaction rating ng pangulo sa ‘excellent’ na +90 sa BARMM, lubhang mas mataas sa ‘very good’ na +65 na naitala sa buong bansa at sa ‘excellent din na +74 sa mga lugar sa Mindanao na hindi bahagi ng autonomous region.
Ayon sa SWS, posibleng nakapagbigay ng excellent rating sa pangulo ang pagtupad sa campaign promise nitong Bangsamoro Organic Law na nagbigay ng mas malawak na kapangyarihan sa rehiyon.
“It may well be that the long-awaited Bangsamoro Organic Law providing for enhanced autonomy for the region, a key campaign promise of President Duterte and which he has shepherded through Congress and a plebiscite ratification, is what drives the ‘excellent’ performance rating that the BARMM respondents give him,” ayon sa SWS.
Nasisiyahan din ang mga mamamayan ng BARMM sa performance ng national administration na nakapagtala ng net satisfaction rating na excellent +81.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.