Sec. Dar: Presyo ng galunggong bababa na sa April 2020
Bababa na ang presyo ng galunggong sa April 2020 ayon kay Agriculture Sec. William Dar.
Sa confirmation hearing araw ng Martes, sinabi ng kalihim na ito ay dahil magsisimula na sa Abril ang fishing season ng galunggong.
Sinabi ni Dar na ang pagsipa ng presyo ng galunggong ay dahil sa ipinatupad na fishing ban upang hindi mahuli ang fingerlings ng tinatawag ding ‘poor man’s fish’.
“April open na ulit for capture. Mas marami ka na supply… so market laws of supply and demand will apply,” ani Dar.
Magugunitang pumalo ng hanggang sa P300 ang presyo ng naturang isda.
Payo naman ng kalihim sa publiko, kung namamahalan sa galunggong ay huwag bumili.
Giit ni Dar, marami namang isda sa pamilihan na mas mura ngayon tulad ng bangus at tilapia.
“Although it was considered to be in the early days na poor man’s fish, eh ngayon mataas, eh di wag ka na bumili ng galunggong. Bumili ka sa mas mura na available naman sa merkado. Bangus, tilapia at iba pa,” ani Dar.
Sinabi ng kalihim na nag-angkat na ang DA ng 45,000 metriko tonelada ng galunggong para mapababa ang presyo nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.