Naitalang aftershocks matapos ang M6.9 na lindol sa Davao del Sur nasa 700 na
Umabot na sa 700 ang aftershocks na naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) hanggang hapon ng Martes matapos ang magnitude 6.9 na lindol sa Davao del Sur noong Linggo.
Sa text message sa INQUIRER.net, sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum na 630 sa 700 ay minor aftershocks.
Habang ang 70 naman ay may kalakasan at naramdaman ng mga tao.
“Out of the 700, 70 were reported felt, hence many aftershocks are minor,” ani Solidum.
Sa 700 aftershocks, pinakamalakas na naitala ay magnitude 5.2 na ikikonsidera umanong ‘moderate’ quake.
Sinabi pa ng Phivolcs director na marami pang aftershocks ang yayanig sa Mindanao sa susunod na mga araw at linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.