Duterte sa militar: Durugin ang mga kaaway ng estado

By Rhommel Balasbas December 18, 2019 - 02:03 AM

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa militar na durugin ang mga kaaway ng estado para matapos na ang problema ng mga Filipino.

Sa talumpati sa pagdiriwang ng ika-68 anibersaryo ng pagkakatatag ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sinabi ng presidente na sinisira ng mga terorista at komunista ang buhay ng mga Filipino.

“Isa pang kalaban natin na sumisira sa buhay natin ay itong mga terorista, kasali na ang NPA, kasali na ang mga kidnap-for-ransom nandiyan sa Jolo, ang Abu Sayyaf at lahat na at ang utos ko sa kanila, ‘pag sila ay lumaban, durugin para matapos na ang problema ng mga Pilipino,” ani Duterte.

Ayon sa pangulo, aakuin niya ang buong responsibilidad sa mga gagawing hakbang ng militar para wasakin ang mga kriminal at terorista.

“I and I alone. Kung sakali man, [I] will go to prison. You can enjoy your freedom. I will take the risk. I am old. I am disposable,” giit ng pangulo.

Ang pahayag ng presidente ay dalawang linggo makaraang ianunsyo niya ang posibilidad ng muling pagbabalik ng usapang pangkapayapaan sa mga komunista.

Una nang sinabi ni Duterte na ipadadala niya si Labor Secretary Silvestre Bello III sa The Netherlands para makipag-usap kay Communist Party of the Philippines (CPP) leader Jose Maria Sison.

TAGS: 80th founding anniversary, Armed Forces of the Philippines (AFP), Camp Crame, communist rebels, durugin ang mga kaaway ng estado, Rodrigo Duterte, terrorists, 80th founding anniversary, Armed Forces of the Philippines (AFP), Camp Crame, communist rebels, durugin ang mga kaaway ng estado, Rodrigo Duterte, terrorists

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.