M3.8 at M3.9 na lindol naitala sa Davao del Sur, South Cotabato
Nakapagtala ng malalakas na aftershocks sa Davao del Sur Martes ng gabi at Miyerkules ng madaling-araw.
Ayon sa Phivolcs, tumama ang magnitude 3.8 na lindol sa layong 6 kilometro Timog-Silangan ng Matanao, Davao del Sur alas-11:05 Martes ng gabi.
May lalim ang pagyanig na isang kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensity II sa Kidapawan City at Instrumental Intensity I sa Alabel, Sarangani at Tupi, South Cotabato.
Alas-12:30 ng madaling-araw naman naitala ang magnitude 3.9 na lindol sa layong 14 kilometro Timog-Kanluran ng Polomolok, South Cotabato.
May lalim ang pagyanig na 42 kilometro.
Naitala ang Intensirty II sa Digos City.
Ang mga pagyanig ay aftershocsk ng magnitude 6.9 na lindol noong Linggo ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.