Dalawang hinihinalang smuggler ng leopard, lion cubs timbog sa Indonesia

By Angellic Jordan December 17, 2019 - 07:42 PM

Arestado ang dalawang hinihinalang smuggler ng endangered animals sa Indonesia.

Ayon kay Andri Sudarmadi, chief detective ng Riau police, nahuli ang isang suspek na nakilala lamang sa alyas na “Yatno” sa Pekanbaru noong araw ng Sabado.

Nakuha aniya sa suspek ang ilang kahon na naglalaman ng apat na lion cub, isang leopard cub at 58 pasong sa van nito.

Batay sa Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Fauna and Flora (CITES), nakalista ang pagong at leopard cub bilang critically endangerd habang ang lion cub naman ay endangered.

Nag-ugat ang pagkakaaresto kay Yatno para mahuli naman ang isa pang suspek na si alyas “IS.”

Ayon sa opisyal, plano kasi sana nito na ibenta ang mga narekober na hayop sa isang trader sa bahagi ng Java Island.

Sinabi pa ni Sudarmadi na parte umano ang dalawang suspek ng isang international trafficking syndicate at binili ang mga hayop sa isa pang smuggler sa Malaysia.

TAGS: Andri Sudarmadi, indonesia, leopard, lion cubs, Riau police, Andri Sudarmadi, indonesia, leopard, lion cubs, Riau police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.