Dating Pangulong Noynoy Aquino, nakalabas na ng ospital

Nakalabas na ng ospital si dating Pangulong Noynoy Aquino, araw ng Martes.

Sa ipinadalang mensahe ni Atty. Abigail Valte, tagapagsalita ng dating pangulo, masaya nitong iniulat na nakalabas na ng Makati Medical Center si Aquino.

Ito ay matapos ma-confine ang dating pangulo ng siyam na araw makaraang sumailalim sa scheduled check up at routine procedure.

Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye si Valte ukol sa pagkaka-confine ng dating pangulo.

Sinabi pa ni Valte na nagpasalamat si Aquino sa lahat ng nagdasal para sa kaniyang kalusugan.

Read more...