Bilang ng mga pasahero sa mga pantalan, umabot na sa 62,000

By Angellic Jordan December 17, 2019 - 05:38 PM

Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga pasahero sa mga pantalan sa bansa.

Ito ay kasabay ng “Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2019” ng Philippine Coast Guard ngayong holiday season.

Batay sa monitoring ng PCG, nasa kabuuang 62,804 ang outbound passengers mula 6:01 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, araw ng Martes (December 17).

Pinakamaraming naitalang pasahero sa bahagi ng Western Visayas ng may 12,401 pasahero sa mga pantalan sa Antique, Aklan, Iloilo at Guimaras.

Sumunod dito ang Central Visayas na may 11,430 na pasahero sa bahagi ng Cebu, Eastern Bohol, Western Bohol, Southern Cebu at Camotes.

Narito naman ang bilang ng mga pasahero sa mga sumusunod na lugar:
– National Capital Region – 719
– South Western Mindanao – 3,902
– Palawan – 5,084
– Southern Tagalog – 7,406
– North Western Luzon – 280
– Eastern Mindanao – 2,253
– Bicol – 4,925
– Northern Mindanao – 6,757
– Eastern Visayas – 2,794
– North Eastern Luzon – 607
– Southern Visayas – 4,246

Kaisa ang PCG sa pagpapanatili ng zero maritime casualty o anumang insidente ngayong Kapaskuhan.

Gayunman, pinayuhan ng PCG ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga safety at security measures sa mga pantalan at sasakyang-pandagat para matiyak ang kanilang kaligtasan.

Dapat din anilang i-report ang mga kahina-hinalang indibidwal sa mga otoridad, maging sa mga itinalagang DOTr Malasakit Help Desk.

TAGS: 2019 holiday season, Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2019, outbound passenger, PCG, 2019 holiday season, Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2019, outbound passenger, PCG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.