Sunog sa National Children’s Hospital, idineklara nang fire out

By Jong Manlapaz December 17, 2019 - 03:12 PM

Idineklara nang fire out ang 3rd alarm na sunog na naganap sa National Children’s Hospital sa Quezon City na nagsimula bandang 10:28 ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa 7th floor ng gusali ngunit agad din itong naapula pagsapit ng 10:53 ng umaga.

Nasa 190 pasyente ang kinailangang ilikas nang magkasunog sa isang bahagi ng nasabing ospital.

Dinala ang ibang pasyente sa katapat na fastfood chain.

Ang iba naman ay pinalipat ng ibang gusali.

May ilang medical tests na naantala dahil nawalan ng kuryente sa ospital.

Samantala, ang ilang pasyenteng naka-intubate pa o nakakabit sa respirator ay mano-manong tinulungan para makahinga habang lumilikas.

Ayon kay SSupt. Jaime Ramirez, fire marshal ng Quezon City, nasa P200,000 ang halaga ng pinsala bunsod ng sunog.

Iniimbestigahan pa kung ano ang pinagmulan ng sunog.

TAGS: National Children’s Hospital, SSupt. Jaime Ramirez, sunog sa National Children's Hospital, National Children’s Hospital, SSupt. Jaime Ramirez, sunog sa National Children's Hospital

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.