DOTr, nagsagawa ang ocular inspection sa konstruksyon ng PNR Clark Phase 1

By Angellic Jordan December 17, 2019 - 03:12 PM

Nagsagawa ng ocular inspection ang Department of Transportation (DOTr) sa nagpapatuloy na konstruksyon ng Philippine National Railways (PNR) Clark Phase 1 (Tutuban-Malolos).

Pinangunahan ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang inspeksyon at binisita rin ang Calumpit construction site sa nasabing proyekto.

Magkokonekta ang 38-kilometer railway project sa Bulacan hanggang Maynila at pabalik.

Magkakaroon ito ng sampung istasyon: Tutuban, Solis, Caloocan, Valenzuela, Meycauayan, Marilao, Bocaue, Balagtas, Guiguinto at Malolos station.

Mayroon din itong depot sa 14 ektaryang lote sa Valenzuela City.

Oras na simulan ang partial operations nito sa fourth quarter ng 2021, mula sa isang oras at 30 minuto, bababa na 35 minuto ang biyahe sa pagitan ng Tutuban, Manila at Malolos, Bulacan.

Inaasahang maseserbisyuhan nito ang nasa 300,000 pasahero kada araw.

TAGS: dotr, ocular inspection, PNR Clark Phase 1, Sec. Arthur Tugade, Tutuban-Malolos, dotr, ocular inspection, PNR Clark Phase 1, Sec. Arthur Tugade, Tutuban-Malolos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.