Sa ulat ng Zamboanga Peninsula police, sakaky ng Nissan Frontier ang mga biktima nang mawalan ito ng kontrol ang sasakyan sa palikong bahagi ng national highway sa Purok 3 sa Barangay Guilawa habang patungo ng Diplahan.
Bumangga muna sa puno ang truck bago bumangga sa nakaparadang motorsiklo.
Dead on the spot si Cpl. Jourecel Jake Revilla Celestial at Pat. Alexander Toribio Laquinon.
Nasugatan naman sina Pat. Stephen Ray Lanigao Alicando, Pat. Logie Suarez Servo, Cpl. Rommel Pangate Apiong, at Pat. Arcel Sugabo Matugas.
Lahat sila ay pawang tauhan ng 903rd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 9.
Dinala sa Wilfredo Palma Memorial Hospital sa Diplahan ang mga nasugatang pulis.