Hiniling ni Tolentino sa kanyang resolusyon na bigyan kapangyarihan ang LGUs na maglaan ng bahagi ng kanilang pondo para sa Christmas incentives ng kanilang mga hindi regular na manggagawa.
Ayon sa senador ang kanyang kahilingan ay munting paraan para kilalanin ang naiaambag ng mga mangaggawa sa pagtupad ng mandato ng mga lokal na pamahalaan.
Aniya hindi naman kaiba ang trabaho ng mga job order at contractual workers sa mga regular na kawani ngunit magkaiba ang mga benepisyo.
Banggit pa ni Tolentino, base sa civil service records may 658,678 job contract at service contract workers sa gobyerno hanggang noong nakaraang taon at 458,787 sa kanila ay nasa LGUs.
Sinabi pa nito na kadalasan ay hindi pinapayagan ng Commission on Audit ang pagbibigay ng bonuses sa mga non regular government employees.
Naniniwala si Tolentino na mas paghuhusayin pa ng mga manggagawa ang kanilang trabaho kung may karagdagang insentibo na ibibigay sa kanila.