SALN ni Pangulong Duterte, hindi na dapat na gawing isyu ayon sa Malakanyang
Himihirit ang Malakanyang sa publiko na huwag nang gawing issue ang Statement of Assets Liabilities and Net worth ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pahayag ito ng palasyo sa gitna ng batikos na hindi pagsasapubliko ng pangulo sa kanyang SALN.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sumusunod lamang ang pangulo sa itinatakda ng batas na magsumite ng kanyang SALN sa Office of the Ombudsman.
Bahala na aniya ang Ombudsman kung ilalabas o hindi ang SALN ng pangulo.
Wala aniyang itinatagong yaman ang pangulo.
Kung mayroon man aniyang kwestyon sa SALN ng pangulo, hindi na sana ito nagsumite sa Ombudsman.
Kung sa mga nakalipas aniyang administrasyon ay walang kahirap-hirap at kusang ipinalalabas ng palasyo ang SALN ng mga nagdaang presidente, hindi aniya ito istilo ni Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.