Mga pasaherong uuwi sa mga lalawigan para sa pagdiriwang ng Pasko nagsimula nang bumiyahe sa mga pantalan

By Dona Dominguez-Cargullo December 17, 2019 - 09:25 AM

Nagsimula nang bumiyahe ang mga pasahero sa mga pantalan na uuwi sa mga lalawigan para sa pagdiriwang ng Pasko.

Sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) simula alas 6:01 ng gabi hanggang alas 11: 59 ng gabi ng Lunes (Dec. 16) umabot na sa 45,849 ang naitalang mga pasahero sa iba’t ibang pantalan sa bansa.

Sa Central Visayas mayroong pinakamaraming naitalang pasahero na umabot sa 10,981; sinundan ng Western Visayas na mayroong 9,799 na bumiyaheng pasahero; Sa Southern Tagalog – 7,191 na pasahero; at sa Northern Mindanao – 6,533 na pasahero.

Ang iba pang pantalan na may naitalang maraming pasaherong bumiyahe ay ang mga sumusunod:

– National Capital Region – 1,442
– Palawan – 494
– Northwestern Luzon – 383
– South Eastern Mindanao – 156
– Bicol – 2,614
– Eastern Visayas – 3,540
– Southern Visayas – 2,716

Patuloy ang gagawing monitoring ng Coast Guard sa mga pantalan sa bansa ngayong Holiday Season.

TAGS: Holiday Season, Inquirer News, monitoring, Passengers, PH news, Philippine breaking news, philippine coast guard, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Holiday Season, Inquirer News, monitoring, Passengers, PH news, Philippine breaking news, philippine coast guard, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.