WATCH: Koalisyon na nagtutulak ng dagdag buwis sa mga bisyo, sumugod sa Senado

Bago ang pagboto ng mga senador sa panukalang batas sa Sin Tax Hike ay lumusob sa senado ang grupong nagsusulong na itaas ang buwis sa mga bisyo.

Naniniwala ang grupo na mababawasan ang mga kabataang nagbibisyo kapag mataas ang presyo ng sigarilyo at alak.

Ayon sa grupo, patuloy na dumarami ang mga mag-aaral na gumagastos sa bisyo mula sa kanilang baon.

Narito ang ulat ni Jan Escosio:

Read more...