Boeing sususpindehin ang produksyon ng 737 MAX mula sa Enero
Hindi na muna gagawa ng 737 MAX na uri ng ng eroplano ang Boeing simula sa susunod na taon.
Sa pahayag ng kumpanya, magpapatuploy pa ang evaluation nila sa kanilang production plans.
Dahil dito, nagpasya silang suspindihin na lamang muna ang produksyon ng 737 MAX simula sa Enero 2020.
Tiniyak naman ng Boeing na hindi ito magreresulta sa mass lay off ng kanilang mga empleyado.
Simula pa noong Marso ay grounded na ang lahat ng uri ng 737 MAXsa buong mundo matapos ang malagim na aksidente sa Indonesia at Ethiopia.
Pero habang nananatili ang suspensyon ng biyahe ay nagpatuloy ang produksyon ng Boeing sa naturang uri ng eroplano kung saan 40 kada buwan ang kanilang nagagawa.
Dahil sa dami ng produksyon na hindi naman pa nabebenta bunsod ng umiiral na suspensyon sa biyahe nagkaproblema na ang Boeing sa storage ng eroplano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.