M3.0 na lindol naitala sa Jose Abad Santos, Davao Occidental

Nakapagtala ng mahinang pagyanig sa Davao Occidental ngayong Martes (Dec. 17) ng umaga.

Naitala ng Phivolcs ang magnitude 3.0 na lindol sa 128 kilometers southeast ng Jose Abad Santos alas 6:47 ng umaga.

May lalim na 41 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito.

Hindi naman nakapagtala ng intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...