7 arestado sa buy-bust sa Pasay City; mahigit P600K na halaga ng shabu, nakumpiska

By Dona Dominguez-Cargullo December 17, 2019 - 05:56 AM

Arestado ang sampung katao sa magkakahiwalay na buy-bust operation na ikinasa ng mga otiridad sa Pasay City.

Kabilang sa nadakip ang pitong lalaki at tatlong babae.

Ayon kay Police Capt. Deni Mari Pedrozo ng Pasay City Police, may impormasyon silang natanggap na sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga ang isang parking attendant sa bahagi ng Macapagal Boulevad.

Nang ikasa ang operasyon ay nadatnan ang dalawang lalaki at nakuhanan sila ng mahigit P14,000 halaga ng shabu.

Agad namang inginuso ng dalawang suspek kung kanino nila kunikuha ang suplay ng ilegal na droga.

Nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis kung saan nahuli naman ang isang 19 anyos na lalaki.

Aabot sa mahigit P600,000 ng ilegal na droga ang nakumpiska sa kaniya.

Dalawa pang lugar ang pinuntahan ng mga otoridad sa Villamor at sa Maricaban kung saan naaresto ang pito pang mga suspek.

TAGS: buy bust operation, Inquirer News, Pasay City, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, shabu, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs, buy bust operation, Inquirer News, Pasay City, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, shabu, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.