Malalakas na aftershocks yumayanig pa rin sa Davao del Sur

By Rhommel Balasbas December 17, 2019 - 04:57 AM

Patuloy na nakararanas ng malalakas na aftershocks ang Davao del Sur matapos ang magnitude 6.9 na lindol noong Linggo ng hapon.

Mula kaninang alas-12:01 ng hatinggabi, pinakamalakas ang magnitude 4.3 na tumama alas-3:54 ng madaling-araw.

Naitala ang episentro nito sa layong walong kilometro Timog-Silangan ng Kiblawan at may lalim na 13 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity II sa Alabel, Sarangani at Tupi, South Cotabato.

Intensity I naman sa General Santos City at Koronadal City.

Sumunod sa pinakamalakas ay ang magnitude 3.9 na naitala alas-12:21 at ang episetro ay sa layong 12 kilometro Timog-Lanluran ng bayan ng Sulop, Davao del Sur.

Naitala sa pagyanig ang sumusunod na instrumental intensities:

Intensity IV – Alabel, Sarangani; Tupi, South Cotabato
Intensity III – Koronadal City
Intensity II – General Santos City
Intensity I – Kiamba, Sarangani

Una nang sinabi ng Phivolcs na posible pa rin ang malalakas na aftershocks matapos ang malakas na lindol noong Linggo.

TAGS: aftershocks, magnitude 6.9 quake in Davao del Sur, October 15, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, aftershocks, magnitude 6.9 quake in Davao del Sur, October 15, Philippine Institute of Volcanology and Seismology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.