P3.4M halaga ng shabu nasabat sa buy-bust sa Maynila

By Rhommel Balasbas December 17, 2019 - 04:18 AM

Nasabat ng mga operatiba ng PDEA-NCR ang aabot sa P3.4 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Rizal Park, Maynila, Lunes ng hapon.

Ayon kay PDEA-NCR Regional Director Joel Plaza, timbog sa operasyon ang dalawang high-value targets na nakilalang sina Nasmudin Zacaria, 28 anyos at Saudi Kayog, 24 anyos.

Nakatanggap umano ng mga ulat ang PDEA ukol sa pagbebenta ng dalawa ng droga sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.

Dahil dito, agad na nagkasa ng operasyon laban sa mga suspek.

Positibong nabilhan ng shabu ng PDEA agent na nagpanggap na poseur buyer ang dalawa sa harap mismo ng Quirino Grandstand.

Agad na inaresto ang mga ito at nakuhaan ng limang piraso ng plastic packs ng hinihinalang shabu na may bigat na 500 grams at tinatayang nagkakahalaga ng P3.4 milyon.

Sa kulungan na magdiriwang ng Pasko ang mga suspek na mahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: buy bust operation, high value targets, PDEA-NCR, PDEA-NCR Regional Director Joel Plaza, Quirino Grandstand, buy bust operation, high value targets, PDEA-NCR, PDEA-NCR Regional Director Joel Plaza, Quirino Grandstand

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.