2 bagong tren ng PNR bumiyahe na

By Rhommel Balasbas December 17, 2019 - 01:41 AM

Sumalang na sa riles ang dalawang bagong tren ng Philippine National Railways (PNR) kahapon, araw ng Lunes.

Sa isang seremonya ng pagpapatunog ng kampana sa Dela Rosa Station, isinagawa ang inaugural run ng dalawang 8000-class train.

Biyaheng FTI-Tutuban at FTI-Malabon ang dalawang bagong Diesel Multiple Unit (DMU) railcars na binili mula sa PT Industri Kerata Api (INKA) sa Indonesia.

Ito ang unang beses sa loob ng 40 taon na nakabili muli ng bagong tren ang PNR sa sarili nitong budget.

Ayon kay PNR General Manager Junn Magno, bahagi ang mga bagong tren ng pagbabago sa PNR na repleksyon ng kasalukuyang liderato sa bansa.

Dahil sa dalawang bagong tren, madadagdagan ng 18 hanggang 20 ang biyahe kada araw.

May apat pang bagong tren na darating sa January 2020 na magpapaginhawa pa sa biyahe ng PNR commuters.

Mayroon ding bagong air-conditioning units na ilalagay naman sa existing railcars ng PNR.

Good news naman para sa commuters, libre ang biyahe sa bagong trains ng PNR ngayong linggo.

TAGS: Diesel Multiple Unit (DMU) railcars, inaugural run, new trains, Philippine National Railways (PNR), Diesel Multiple Unit (DMU) railcars, inaugural run, new trains, Philippine National Railways (PNR)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.