Presyo ng diesel, kerosene tataas ngayong umaga
Matapos ang rollback noong nakaraang linggo, magpapatupad ng taas-presyo sa diesel at kerosene ang oil companies simula mamayang alas-6:00 ng umaga.
Sa abiso ng Flying V, Petro Gazz, Petron, Phoenix Petroleum, PTT Philippines, Seaoil, Shell at Total, P0.40 ang taas-presyo sa kada litro ng diesel.
Ang kerosene o gaas naman ng Flying V, Petron, Seaoil at Shell ay tataas ng P0.60 kada litro.
Ang Cleanfuel naman, alas-12:01 pa ng Miyerkules magpapatupad ng P0.40 na dagdag-presyo sa kada litro ng kanilang diesel.
Pare-parehong nag-anunsyo ang oil companies na walaang price adjustments sa gasolina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.