4 patay sa pag-araro ng SUV sa mga sasakyan sa Bulacan

By Rhommel Balasbas December 17, 2019 - 12:29 AM

Nasawi ang apat katao habang lima ang sugatan matapos araruhin ng isang sports utility vehicle (SUV) ang walong sasakyan sa bahagi ng McArthur Highway sa Brgy. Bi–ang 1st, Bocaue, Bulacan, Lunes ng hapon.

Ayon kay Bocaue police chief Lt. Col. Rizalino Andaya, kinilala ang mga nasawi na sina Ricardo Sumagang, 29; kanyang asawang si Maria Irene, 31; Joan Deso, 34; at Rener Reyes, 41.

Ang unang tatlo ay dead-on-the-spot habang si Reyes ay sa ospital na namatay.

May dalawang kritikal pa sa ospital sa ngayon.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pababa ng flyover ang SUV na minamaneho ni Fernando Salvador Roxas nang mabangga nito ang isang motorsiklo.

Pero nagtangka pa itong takasan ang mga nabundol at nag-counterflow dahilan para maararo pa ang apat na motorsiklo at dalawang tricycle, isang L-300 van at isa pang SUV.

Nagtamo ng arm injuries si Roxas at nasa kustodiya na ito ng pulisya.

Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, physical injuries at damage to property ang driver.

TAGS: Bocaue Bulacan, Vehicular accident, Bocaue Bulacan, Vehicular accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.