LRT-2 may libreng sakay ngayong araw, Rizal Day

By Rhommel Balasbas December 30, 2019 - 05:30 AM

May handog na libreng sakay ang Light Rail Transit Authority (LRTA) sa LRT-2 para sa araw na ito, December 30, Rizal Day.

Ayon sa abiso ng LRTA, alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi ang libreng sakay.

Ginugunita ng bansa ngayong araw ang ika-123 anibersaryo ng kamatayan ng pambansang bayani.

Sa ngayon, ang operasyon ng LRT-2 ay mula Recto hanggang Cubao at pabalik lamang.

Nananatiling nakasara ang Anonas, Katipunan at Santolan stations bunsod ng nasunog na rectifiers noong Oktubre.

TAGS: free rides, libreng sakay, Light Rail Transit Authority (LRTA), LRT 2, free rides, libreng sakay, Light Rail Transit Authority (LRTA), LRT 2

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.