Aquino, itinangging hinikayat nito si VP Robredo na manatili bilang ICAD co-chair

Pinasinungalingan ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na hinikayat nito si Vice President Leni Robredo na manatili bilang co-chairperson ng Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Taliwas ito sa inihayag ni Robredo sa kaniyang programa sa radyo na sinabi umano ni Aquino sa kaniya na huwag iwan ang posisyon.

Sa inilabas na pahayag, itinanggi ito ng PDEA chief.

Aniya, ang bise presidente ang nagsabi na mananatili siya sa posisyon hangga’t nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang magiging drug czar.

Sinabi pa ng PDEA chief na hindi napulong ni Robredo ang apat na cluster ng ICAD tulad ng enforcement, justice, advocacy, at rehabilitation and reintegration.

Ito aniya ang nakikitang kakulangan sa panunungkulan ni Robredo sa nasabing posisyon.

Read more...