Rep. Rida Robes, pinangunahan ang pagkilala sa outstanding volunteers sa 2019
Kinilala ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pamamagitan ng Committee on People’s Participation ang mga indibidwal na boluntaryong tumulong sa mga kapwa-Filipino.
Pinangunahan ni San Jose del Monte, Bulacan Rep. Florida “Rida” Robes ang idinaos na awarding ceremony sa the South Wing Lobby ng House of Reresentatives, araw ng Lunes (December 16).
Ani Robes, pinili ang sampung awardees bilang Outstanding Volunteers ng Philippine National Volunteer Service Coordinating Agency (PNVSCA).
Narito ang listahan ng mga awardee sa taong 2019:
-Dr. Romulo Davide (Volunteer Lifetime Achievement Awardee)
-Aliah Alam (Individual-Youth Category)
-Joel Dela Costa (Individual-Adult Category)
-Dr. Zsa-Zsa May Meneses (Individual-Adult Category)
-Engr. Cristeta Gallano (Individual-Adult Category)
-Soroptimist International of Mandaluyong or SIM (Non-Profit Organization Category)
-University of La Salette Inc. High School (ULSHS) Community Relations and Outreach Program (Non-Profit Organization Category)
-Brgy. Poblacion, Burgos, Ilocos Norte (Special Award for LGUs)
-Mandaluyong City (Special Award for LGUs)
-Municipality of La Trinidad, Benguet (Special Award for LGUs)
Sinabi ng mambabatas na pinatunayan ng mga volunteer na ang susi sa pag-unlad ng bansa ay ang pagpapakita ng “bayanihan spirit.”
“These exemplary volunteers, who come from all over the country, should inspire us all to be more proactive in helping our fellow Filipinos and our communities. They emphasize the fact that our bayanihan spirit is the key to national development,” ani Robes.
Ayon pa sa mambabatas, ang pagdaraos ng seremonya ay ang kanilang paraan para ipagdiwang ang katapangan, dedikasyon at debosyon sa serbisyo ng mga volunteer.
Kasunod nito, hinikayat ni Robes ang publiko na pairalin ang volunteerism sa mga panahon ng sakuna at pagpapa-unlad ng komunidad.
“This ceremony is our way of celebrating the bravery, dedication, and commitment to service of these volunteers. May there be more like them. We want to encourage volunteerism in times of disaster and in community building as well. It should be a quality that is innate in every Filipino, to lend a helping hand whenever possible,” dagdag ni Robes.
Nagsilbi namang speaker at nagprisinta ng award sa seremonya sina PNVSCA officer-in-charge Corazon Macaraig, Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, National Economic and Development Authority (NEDA) at Undersecretary for Regional Development Adoracion Navarro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.