Palasyo sa ulat ni Robredo ukol sa drug war: “What’s taking her so long?”

By Angellic Jordan December 16, 2019 - 05:52 PM

“What’s taking her so long?”

Ito ang naging pahayag ni Palasyo ng Malakanyang matapos maantala ang ilalabas sanang ulat ni Vice President Leni Robredo ukol sa kampanya ukol sa ilegal na droga.

Ito ay kasunod ng 18 na araw na panunungkulan ni Robredo bilang co-chairperson ng Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Sa press briefing, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na ilahad ni Robredo kung anuman ang nabuo nito sa kaniyang report.

Mahirap kasi aniya kapag nag-iisip pa kung ano ang ilalabas dahil wala naman aniya talagang mailalabas na ulat sa publiko.

Nakatakda sanang ilabas ng bise presidente ang ulat ukol sa drug war sa araw ng Lunes, December 16.

Ngunit, sinabi ni Robredo na nagdesisyon siya na huwag muna itong ilabas para makatutok sa pagtulong sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

TAGS: drug war, ICAD, Sec. Salvador Panelo, VP Leni Robredo, War on drugs, war on drugs campaign, drug war, ICAD, Sec. Salvador Panelo, VP Leni Robredo, War on drugs, war on drugs campaign

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.