Ayon kay Atienza, kailangang ipatupad ang oversight functions ng Kamara para malaman kung inaaksyunan ni TESDA Director General Isidro Lapeña ang mga reklamo.
Kabilang na rito ang hindi pagbibigay ng starter toolkits sa mga nagtapos ng Special Training for Employment Program (STEP) noong 2018.
Ang naturang mga gamit ang nagsisilbing panimula ng graduates para magkaroon ng sariling negosyo, pero hanggang ngayon na matatapos na ang 2019 ay hindi pa rin ito naibibigay ng TESDA.
Napag-alamang ang pondo mula sa STEP na nagkakahalaga ng P800 milyon ay nanggagaling sa mga kongresista na inilalaan sa TESDA para sa mahihirap nilang constituents.
Nag-ugat ang problema sa STEP nang balewalain ni Lapeña ang rekomendasyon ng TESDA oversight committee sa nanalong bidder noong 2018.
Inirereklamo naman ng mga pribadong miyembro ng Technical Vocational Institutes (TVI’s) sa iba’t ibang panig ng bansa ang mala-militar daw na pamamalakad ni Lapeña sa tinawag nilang “Camp Tesda” dahil sa sapilitang pagsasara sa mga eskuwelahan nang walang due process.