Sa press briefing, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na hahayaan ng pangulo ang Ombudsman na gawin ang kanilang tungkulin.
Sumunod naman aniya ang pangulo sa batas kung saan pinaghahain ang bawat pulitiko ng SALN.
Sinagot din ni Panelo ang ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) ukol sa umano’y hindi pagbibigay ng kopya ng SALN ng pangulo.
Aniya, hindi naman kailangang sundin ni Pangulong Duterte ang ginawa ng mga nagdaang pangulo ng bansa.
Iginiit din nito na kung mayroon man itinatago ang pangulo ay hindi na sana ito nagsumite ng kanilang SALN.
Bahala na aniya ang Ombudsman kung maglalabas ng kopya ng SALN ng pangulo.