Jolo Revilla, Angelica Alita ikinasal na
Ikinasal na ang aktor at Cavite Vice Governor na si Jolo Revilla sa girlfriend na si Angelica Alita.
Idinaos ang wedding ceremony sa California sa Amerika, araw ng Linggo.
Sa Facebook, ibinahagi ng ama ni Jolo na si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ang kasal ng dalawa.
Naging emosyonal sina Jolo at ang Binibining Pilipinas 2016 first runner-up habang nagpapalitan ng pangako sa simula ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa.
Ilan sa mga dumalo sa kasal ay sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, House Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez, Cavite Governor Jonvic Remulla, dating senador Jinggoy Estrada at iba pa.
Noong Agosto, kinumpirma ni Jolo ang kanilang engagement ni Angelica.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.