Bilang ng mga gusali ng gobyerno na sinira ng magnitude 6.9 na lindol sa Mindanao hindi bababa sa 13

By Ricky Brozas December 16, 2019 - 12:52 PM

Hindi bababa sa 13 government buildings ang sinira ng 6.9-magnitude na lindol sa maraming parte ng Mindanao, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) araw ng Lunes (December 16).

Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, mas lumala ang pinsala sa mga gusali na dati nang tinamaan ng sunod-sunod na lindol noong Oktubre at Nobyembre.

Kabilang sa government structures na matinding napinsala ng pagyanig ay ang Magsaysay Municipal Hall sa Davao del Sur.

Nakapagtala na ng mahigit 450 na aftershocks simula kahapon kung saan 41 ang naramdaman.

Ayon pa kay Timbal, kapag nagkakaroon ng malakas na aftershocks ay itinitigil nila ang rescue operation dahil iniiwasan nilang maipit ang mga rescuers sa bumigay na gusali.

Matatandaang noong Oktubre lamang ay nakaranas ng serye ng malalakas na lindol na naramdaman maging sa mga kalapit na lalawigan ang lalawigan ng Cotabato.

TAGS: magnitude 6.9 na lindol sa Mindanao, ndrrmc, NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, magnitude 6.9 na lindol sa Mindanao, ndrrmc, NDRRMC Spokesperson Mark Timbal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.